SLLBP-MJC Race Tips For the Day May 23, 2013
Magandang araw ng Huwebes sa lahat karerista. May umaatikabong siyam na karera ang naka schedule sa araw na ito na magsisimula ng alas sais ng hapon. Sa ikatlong karera mag start ang ating winner take all event na may carry over na nagkakahalagang 800, 535.32 pesos. Tingin namin mahirap ang mga karera ngayon halos lahat ng kalahok sa bawat karera ay may panalo. Kaya dumiskarte ng magandang rota na iyong tatayaan at pag-aralan ng mabuti programa. Ito na rin ang aming tip at komento sa karera sa araw na ito n asana ay makatulong sa inyong pananaya.
RACE 1
Simula ng unang karera at simula rin ng pick six event. Napipisil namin dito ang kabayong si JOSHUA’S LAUGHTER na dehado pa dito at si SILVER GROOM na papatnubayan ni jockey JA Guce.
TIP – 1 JOSHUA’S LAUGHTER; 9 SILVER GROOM

RACE 2
Pwede na solohin si HEYDAY sa karerang ito. Pang suporta ko dito si ENJOY KALANG.
TIP – 5 HEYDAY; 4 ENJOY KALANG

RACE 3
Mahirap na karera itong katlong karera at simula ng winner take all. Napili namin dito si SAFETY’S GOLD na rerendahan na ni jockey LT Cuadra Jr. at si GOOD MOVE na magandang dehado dito.
TIP – 10 SAFETY’S GOLD; 6 GOOD MOVE

RACE 4
Magulong karera rin itong ika-apat na karera kaya naman ang kakampihan namin dito ay si SUN TAN TONY na baka ito na ang oras nito at ang couple entry na sina MILANO at TURF MOOR doblado dito.
TIP – 2 SUN TAN TONY; 4 MILANO / TURF MOOR

RACE 5
Start naman ng pick five event sa karerang ito. Lamang para sa amin ang couple entry na sina SHIMMERING PEBBLES at WINDY FIRENZE na doble ang panalo dito at si CONQUISTABOY medyo dehado pa dito.
TIP – 3 SHIMMERING PEBBLES / WINDY FIRENZE;
1 CONQUISTABOY



RACE 6
Solo na kami kay JAHAN galing sa panalo.
TIP – 2 JAHAN

RACE 7
Sa karerang ito tingin namin mallamado dito ang kabayong si CASSIE DEAR na galing sa dalawang sunod na panalo. May ibubuga pa kaya dito si PINOY WORLDCLASS sa karerang ito.
TIP – 7 CASSIE DEAR; 1 PINOY WORLDCLASS

RACE 8
Kahit na pito lang ang kalahok sa karerang ito lahat naman ay may panalo. Kaya naman ang napusuan namin dito ay sina CHINOI papatnubayan ni jockey Pat Dilema at si  SANGANGDAAN dehado pa siguro dito matagal na ring walang panalo ito baka ngayon na.
TIP – 4 CHINOI; 6 SANGANGDAAN

RACE 9
Huling karera sa araw na ito at paratingan na ng winner take all, pick five at four event. Dito kami kay YES MAYOR na laging laban. Mabuti manakbo dito sa San Lazaro at kay SIMPLE PLEASURE na gamay ni jockey JB guce.
TIP – 8 YES MAYOR; 11 SIMPLE PLEASURE





GOOD LUCK TO ALL AND HAPPY MJCI RACING!!!